#TeamBahay no.1
- Ms. Bored Pnut
- Apr 23, 2017
- 2 min read

Ayun nga, summer na naman! Sila outing dito, outing doon, outing everywhere. Samantala ikaw at ako mga Team bahay. Oo team bahay, mga hindi gumagala dahil walang pera. Pero hindi naman sa wala talaga, sadyang nag iipon lang kasi may pag gagamitan o ayaw lang talaga, nag papakapraktikal lang po.
Yung tipong nakaharap ka lang sa phone, laptop o desktop mo scroll- scroll sa social media site, like lang like ng mga post ni kaibigang na sa beach o nasa outing. Sad, sana tayo rin .. pero don’t worry atleast ikaw nag rerelax ka rin sa kama mo naka higa buong madamag, nakatapat pa sayo yung electricfan feeling reyna lang.
Kahit team bahay lang may mga advantages din yan no! Kaya wag panghinaan ng loob pwera wala kayo sa gantong lugar at di mo na eenjoy sa beach ang summer mo. I’ll drop some advantages here sa pagiging Team bahay para naman gumaan loob natin,
#1 Less Gastos
Aba syempre talagang less expenses talaga, hindi ka na gagastos sa mga pag be-beach nyo or outing nyo mag kakapamilya o mag kakaibigan, dahil sa bahay ka lang naman. Hindi ka na bibili pa ng mga swimsuit or bikini para irampa sa beach, dahil Team bahay ka nga lang naman talaga. At higit sa lahat ay iwas sa tukso. Tukso bumili ng bili ng mga bagay bagay na cute or souvenirs.Tukso sa paggasta para sa pag kain, dahil nga gala ng gala eh di maiwasan ang food trip, kaya talagang safe ang pera kapag team bahay.
#2 No need for DIET
Kapag team bahay? no need talaga mag diet, dahil di ka naman rarampa sa beach or saan mang outing yan, yung tipong hindi ka mahihiya sa mga bilbil mo or mga kung anek anek natin sa katawan dahil hindi ka naman mag susuot ng bikini or what. At least ngayong summer hindi ka magiging conscious sa katawan mo diba? I eenjoy mo lang yung katawan mong malusog!
#3 You can try NEW experience!
Oo tama new experience, kung kadalasan pag summer lahat sila sa beach or what, ikaw pwede ka mag business kahit sa bahay lang. Tulungan kayo ni Mama or Papa, benta kayo Halo-halo or mga “con yelo” o di kaya ice candy na tamang-tama lang sa tag-init. At least nag ka pera ka pa at natututo ka rin mag business- business, may bonding pa kayo ng mga magulang mo. Nagpapakapraktikal lang.
#4 ME time!
Yung mga panahong may pasok o nasa trabaho ka at wala ka ng time sa mga gusto mong gawin, ay magagawa mo ngayong summer. Like for example di ka makapanuod ng Kdrama or anime dahil pag naumpisahan mo na mahirap na tigilan kase grabe mga drama or anime , nakakabitin bawat episode. Sa gantong paraan samantalahin mo nang walang pasok! Yung mga bagay na hindi mo na gagawa, magagawa muna. Ma eexplore mo rin yung mga talents and skills mo, ma eenhance pa kung sakali.
And yun nga! Sana mapagaan ko mga loob nyo. Hindi masama maging team bahay! Marami rin opportunities na ka abang so Enjoy your summer vacation kahit sa bahay lang! Spread the LOVE and HAPPINESS!







Comments