top of page

Bakasyon na naman!

  • Ms. Bored Pnut
  • Apr 23, 2017
  • 2 min read

Bakasyon na naman!

Ang bilis ng panahon! Mag me- May na naman at syempre pag May? It’s Summertime! Pero kahit anong month pa yan, mainit pa rin sa Pilipinas. Mas lalo na ngayon talagang grabe ang init, Tirik na tirik ang araw, yung halos walong buwan mong pag gugluta o pag papaputi ay nasira ng isang araw na pag bababad sa tubig dagat o saang pwede pag languyan. Nakakaloka diba? at syempre dahil nga summer naman ay ok lang yan, pero pag pasukan na naman at di ka pa rin pumuputi, at satinggin mong pangit ka na, eh aba’y halos lahat ng pampaputi sa katawan ay binili mo na sa Watson or kahit saang store na mapag bibilhan ng mga yon. Ate girl o Kuya boy ginusto mo yan eh!

Uso na naman ngayon ang mga paborito nating Halo-halo, Mais con yelo, at kahit anong may “con yelo” . Syempre hinay hinay lang sa mga sweets dahil sirang sira na yung new year resolutions mo na “MAG PA PAPAYAT NA KO” o di kaya “OPLAN MAWALA SI BILBIL” noong panahon ng Valentines, kung hindi man eh edi hindi. Pero hindi talaga maiiwasan eh, masarap at saktong sakto sa mainit na panahon, refreshing nga kumbaga.

Outing dito, swimming doon, lamon dyan. Ganyan pag summer eh, hayahay ang buhay,. Let’s take a break muna. Masyado na tayong naging productive sa school o sa work natin kaya we deserve a break. Walang masama sa pag sasaya as long as tama lang, baka mamaya nakakalimutan mo sumosobra ka na, yung tipong nagiging insensitive ka na sa iba na super na yung pag sasaya mo out of line na ganun, tandaan masama ang sobra.

Let’s enjoy every moment ngayong summer! Don’t let your negative vibes ruin your summer. Remember need mo mag relax at enjoy! Spread the love and happiness!

Comments


Follow

  • Facebook
  • Twitter
  • LinkedIn

Contact

Address

Cavite, Philippines

©2017 by iCapture. Proudly created with Wix.com

bottom of page